Saturday, April 23, 2011

Original Digman Halo-Halo Special

Original Digman Halo-Halo

Digman-Digman, ika'y aming pupuntahan,
Upang ang lasa mo'y aming matikman.

Sa haba ng tinahak naming landas,
Sa paghahanap sa iyo'y ilang ulit lumampas.

Ng ikaw ay matanto, doon sa may kanto,
Ang pagpaparadahan nama'y walang pwesto.

Kaya ang kalsada'y aming diniretso,
Nakahanap ng parkingan sa may Munisipyo.

Kaya muli naming binaybay ang daan,
Patungo sa Halo-Halo Special ng Digman.

Digman-Digman, kami'y iyong binusog,
Kaya ang tiyan nami'y kay lulusog.






No comments:

Post a Comment