Thank You for this simple plaque of appreciation. It was fun speaking in front of my fellow SJFS students. |
Here's my speech for today's Elementary's Recognition Day.
*****
To the respected
school administrators, our beloved principal Mr. Ernesto D. Rosales
Jr., members of the faculty, friends, guests, proud parents and
students. Good Morning!
Ngayon, I am feeling
a bit nostalgic. I am once again on
stage, to speak in front of the students of St. John Fisher School.
Matagal na panahon na rin nung huli ko itong ginawa. Kaya hindi na
ako nagdalawang isip pa na tanggapin ang imbitasyon sa akin. SJFS
will always have a special place in my heart. Dito ako ay sinanay
na maging malikhain, matatag at masipag na mag-aaral. Dito na minsan
rin gaya niyo ay nabigyan ng parangal dahil napagbuti ang pag-aaral. But
this time, it is different. Dahil ngayon, hindi ako ang pararangalan.
Hindi ako ang nagmamay-ari ng entablado. Hindi ako ang bida ngayon.
Kundi kayo, kayong mga estudyante na pinakanagsikap at nag-aral ng
mabuti. Ang bida ngayon, ay kayo who excel among the rest of the
class.
Hinahangaan
ko kayo, dahil isa
kayo sa mga batang nagbibigay halaga sa edukasyon. Edukasyon na
pinaghihirapang ibigay sa atin ng ating mga magulang. Ang edukasyon
na tutulong sa atin pagdating ng panahon. Kaya ganoon na lamang ang
panghihinayang ko sa mga kabataang napapariwara ang buhay. Marami
yan. Sa radyo, sa TV, sa dyaryo. Kaya mapapalad tayong mga
nakapag-aral at may mga magulang tao na naka-agapay sa atin.
Naalala ko tuloy
yung madalas ibilin sa akin ng Mama ko, “Anak, mag-aral ka ng
mabuti dahil yan lamang ang maari naming ipamana ni Papa mo sa inyong
magkakapatid.” 2nd year highschool ako dito sa St.
John nang mawala si Papa. After nun, si Mama ko na ang naging sole
provider namin. May maliit kaming pwesto sa palengke, nagtitinda ng
gulay at dry goods. Kapag weekend, kailangan naming tumulong kasi
mas maraming namamalengke. Ang assignments and projects, magagawa
lang namin sa hapon. Bihira ang summer vacation kasi nagtitinda
during summer break. Nag-aral akong mabuti. Nagsumikap. Binigyang
halaga ang bawat tuition fee na pinangeenroll ko. Mas naging mahirap
at challenging nung ako'y nagkolehiyo. Halos
dugo at pawis ng aking ina ang kapalit ng bawat tuition fee ko.
Halos pamasahe lang ang ibibigay niyang baon sa akin. Pero dahil sa
kagustuhan kong mag-aral at makatapos, papasok ako sa school ng may
ngiti sa labi para Good Vibes. Di alintana na baka magutom ako. O
kaya may kailangang bilhin para sa mga drawing plates sa school.
Basta sige pa rin. Ngunit sa kabila ng kagipitan, nagawa kong
makatapos dahil ganoon nalamang ang pagpapahalaga ko sa edukasyon na
pinilit maibigay sa akin ng magulang ko. Sa kabila ng pagsubok,
ginawa ko itong inspirasyon at dahilan para mas magsumikap na
tulungan ang sarili. Apat kaming magkakapatid, lahat kami ay
napagtapos ng college. Kaya sa araw na 'to,
hindi lang kayo na mga tatanggap ng parangal ang bida. Sa araw na
'to, maging ang mga magulang natin... sila rin ay bida.
Ang
buhay nating bilang mag-aaral ay hindi laging isang madaling
paglalakbay. Maraming bumps and curves. Minsan nga may zigzag pa.
Tulad niyo, naging isang estudyante din ako. Sumagot ng maraming
assignments, gumawa ng gabundok na projects, hiningan ng madaming
researches. Pumasa. Bumagsak. Nagpuyat karereview. Anu man ang
pinagdaanan ko noong ako'y estudyante palamang, ginamit ko itong
inspirasyon. Ito ang tumulong sa akin na mag-aral ng mabuti. Bilang
estuyante, madami narin tayong naiisip na goals and dreams. Bata
palang ako, I started dreaming na. Saying, “Pa, balang araw...
magiging Arkitekto ako.” Pero syempre hindi sapat ang yung inisip
mo lang. Hindi sapat yung i-dream mo lang. Thinking about it na
kaya mong gawin is not enough. Hindi natatapos ang lahat sa dreaming
big. Lahat naman ng pangarap pwedeng marating, you'll just have the
believe in yourself and have the courage to pursue them and do
something about it. Natatandaan ko nga, napanood ko nga minsan sa
TV. Tinanong ni Nobita si Doraemon. “Doraemon,
Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin... hindi ko pa rin kaya?”
Sagot ni Doraemon: “Simple lang
yan! Kasi iniisip mo lang. Hindi ka naniniwala.” Si
Nobita naman kasi, sumusuko na agad, hindi pa nga sinusubukan. Pero
kayo, kayong mga narirto. Kayo na tatanggap ng mga parangal dahil
nagsikap sa pag-aaral. Binabati ko kayo at hinahanggan dahil sa mura
niyong mga edad... sinimulan niyo ng makuha ang mga pangarap niyo.
Ngayon palang, you are starting to build the bridge to reach your
dreams. And with the help of your parents and the school, you'll get
there.
Muli,
Congratulations to the proud parents. And to you students. Thank
you.