Friday, March 8, 2013

Napapanahon (Isang talumpati)


Minsan, nung ako ay naglinis at nagligpit ng aking mga kagamiutan.  Nakita ko ang mga pahina ng talumpati na aking inihanda para sa araw ng pagbibigay parangal sa mga natatanging bata sa paaralang minsang nag gawad na din sa akin ng medalya.

Ito'y napapanahon sapagkay nalalapit na naman ang araw na pinakahihntay ng mga estudyante, gayundin ng mga magulang - Ang "School Year End".


Taong 2005:  Ako'y nagtratrabaho na bilang Junior Architect sa isang architectural firm.

"  To the respected administrators, our beloved principal, members of the faculty, parents and students, Good Morning!

I am feeling a little nostalgic, because the last I took the stage and had my speech was 5 years ago.  But this time, it is different.  For today, it is not I who owns the stage.  Hindi ako ang bida ngayon.  Kundi kayo na mga estudyante na nagsikap at naghirap mag-aral.  You who excel among the rest.

Ganoon na lamang ang paghanga ko sa mga batang pinahahalagahan ang pag-aaral.  Ganoon na lamang ang panghihinayang ko sa mga kabataang napapariwara ang buhay.  Marami niyan.  Makinig ka lang ng radyo o kaya naman manood ng TV.  Magbasa ka ng dyaro.  Kaya mapalad tayong mga nakakapag-aral.  May mga magulang tayo na laging naka-agapay.  Kaya sa araw na ito, hindi lang kayong mga tatanggap ng parangal ang bida sa araw na ito.  Maging ang mga magulang natin.

Naalala ko tuloy yung laging binabanggit sa akin ng Mama ko.  Medyo gasgas na nga lang.  Pero itong mensahe na ito ang tumulong sa aking mag sikap na makatapos ng pag-aaral.  Dagdag pa nito yung kalagayan namin sa buhay.  Sabi niya na tanging ang edukasyon lamang ang maaari nilang maipamana sa aming magkakapatid.  Kung kaya't ganoon na lamang ang pagsisikap nilang kami'y mapagtapos.  Naging mahirap sa amin ang lahat.  Halos dugo at pawis ng aking ina ang kapalit ng bawt tuition fee ko.  Naalala ko pa noon, halos pamasahe lang ang ibibigay niyang baon sa akin.  Pero dahil sa kagustuhan kong pumasok, sige pa rin.  Di alintana na baka magutom ako.  O kaya may kailangang bilhin.  Ngunit sa kabila ng kagipitan, nagawa kong makatapos dahil ganoon nalamang ang pagpapahalaga ko sa edukasyon.

Mahalagang mag-aral.  Di niyo pa siguro ito napapansin, pero mabuti iyong habang maaga palang ay namumulat na kayong pahalagahan ang edukasyon.  Kaya ako nandito, kaya ako narating ang mga pangarap ko dahil pinahalagahan ko ang edukasyon.

Ano nga ba ang ibig kong ipahiwatig?  Maganda yang nag-aaral kayong mabuti, kaya sana ay huway kayong magsasawang mag-aral.  Pero hindi niyo naman kailangan na i-pressure yang sarili ninyo.  Ibig kong sabihin, Just enjoy studying.  Huwag mapanghinaan ng loob kapag bumaba ang ranking.  Naranasan ko nayan.  Sa halip na malungkot at maglugmok, mas pinagbutihan ko pa ang pag-aaral.  Sa mga magulang naman, malaking bagay ang naitutulong ng suportang ibinibigay niyo sa inyong mga  anak.  At sana, huwag kayong magsasawa sa pagsuporta.

Muli, pahalagahan natin ang edukasyon.  Marami pong salamat.  At magandang araw. "

~ wakas ~

Ang talumpati ko'y maikli lamang, ngunit
nailahad ko naman ang nais kong 
ipabatid sa mga bata at magulang.

No comments:

Post a Comment