Sunday, March 31, 2013

Araw ng Parangal: Isang talumpati

Thank You for this simple plaque of appreciation.  It was fun speaking in front of my fellow SJFS students.


Here's my speech for today's Elementary's Recognition Day.

*****

To the respected school administrators, our beloved principal Mr. Ernesto D. Rosales Jr., members of the faculty, friends, guests, proud parents and students. Good Morning!

Ngayon, I am feeling a bit nostalgic. I am once again on stage, to speak in front of the students of St. John Fisher School. Matagal na panahon na rin nung huli ko itong ginawa. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na tanggapin ang imbitasyon sa akin. SJFS will always have a special place in my heart.  Dito ako ay sinanay na maging malikhain, matatag at masipag na mag-aaral. Dito na minsan rin gaya niyo ay nabigyan ng parangal dahil napagbuti ang pag-aaral.  But this time, it is different. Dahil ngayon, hindi ako ang pararangalan. Hindi ako ang nagmamay-ari ng entablado. Hindi ako ang bida ngayon. Kundi kayo, kayong mga estudyante na pinakanagsikap at nag-aral ng mabuti. Ang bida ngayon, ay kayo who excel among the rest of the class.

Hinahangaan ko kayo, dahil isa kayo sa mga batang nagbibigay halaga sa edukasyon. Edukasyon na pinaghihirapang ibigay sa atin ng ating mga magulang. Ang edukasyon na tutulong sa atin pagdating ng panahon. Kaya ganoon na lamang ang panghihinayang ko sa mga kabataang napapariwara ang buhay. Marami yan. Sa radyo, sa TV, sa dyaryo. Kaya mapapalad tayong mga nakapag-aral at may mga magulang tao na naka-agapay sa atin.

Naalala ko tuloy yung madalas ibilin sa akin ng Mama ko, “Anak, mag-aral ka ng mabuti dahil yan lamang ang maari naming ipamana ni Papa mo sa inyong magkakapatid.” 2nd year highschool ako dito sa St. John nang mawala si Papa. After nun, si Mama ko na ang naging sole provider namin. May maliit kaming pwesto sa palengke, nagtitinda ng gulay at dry goods. Kapag weekend, kailangan naming tumulong kasi mas maraming namamalengke. Ang assignments and projects, magagawa lang namin sa hapon. Bihira ang summer vacation kasi nagtitinda during summer break. Nag-aral akong mabuti. Nagsumikap. Binigyang halaga ang bawat tuition fee na pinangeenroll ko. Mas naging mahirap at challenging nung ako'y nagkolehiyo. Halos dugo at pawis ng aking ina ang kapalit ng bawat tuition fee ko. Halos pamasahe lang ang ibibigay niyang baon sa akin. Pero dahil sa kagustuhan kong mag-aral at makatapos, papasok ako sa school ng may ngiti sa labi para Good Vibes. Di alintana na baka magutom ako. O kaya may kailangang bilhin para sa mga drawing plates sa school. Basta sige pa rin. Ngunit sa kabila ng kagipitan, nagawa kong makatapos dahil ganoon nalamang ang pagpapahalaga ko sa edukasyon na pinilit maibigay sa akin ng magulang ko. Sa kabila ng pagsubok, ginawa ko itong inspirasyon at dahilan para mas magsumikap na tulungan ang sarili. Apat kaming magkakapatid, lahat kami ay napagtapos ng college. Kaya sa araw na 'to, hindi lang kayo na mga tatanggap ng parangal ang bida. Sa araw na 'to, maging ang mga magulang natin... sila rin ay bida.

Ang buhay nating bilang mag-aaral ay hindi laging isang madaling paglalakbay. Maraming bumps and curves. Minsan nga may zigzag pa. Tulad niyo, naging isang estudyante din ako. Sumagot ng maraming assignments, gumawa ng gabundok na projects, hiningan ng madaming researches. Pumasa. Bumagsak. Nagpuyat karereview. Anu man ang pinagdaanan ko noong ako'y estudyante palamang, ginamit ko itong inspirasyon. Ito ang tumulong sa akin na mag-aral ng mabuti. Bilang estuyante, madami narin tayong naiisip na goals and dreams. Bata palang ako, I started dreaming na. Saying, “Pa, balang araw... magiging Arkitekto ako.” Pero syempre hindi sapat ang yung inisip mo lang. Hindi sapat yung i-dream mo lang. Thinking about it na kaya mong gawin is not enough. Hindi natatapos ang lahat sa dreaming big. Lahat naman ng pangarap pwedeng marating, you'll just have the believe in yourself and have the courage to pursue them and do something about it. Natatandaan ko nga, napanood ko nga minsan sa TV. Tinanong ni Nobita si Doraemon. “Doraemon, Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin... hindi ko pa rin kaya?” Sagot ni Doraemon: “Simple lang yan! Kasi iniisip mo lang. Hindi ka naniniwala.” Si Nobita naman kasi, sumusuko na agad, hindi pa nga sinusubukan. Pero kayo, kayong mga narirto. Kayo na tatanggap ng mga parangal dahil nagsikap sa pag-aaral. Binabati ko kayo at hinahanggan dahil sa mura niyong mga edad... sinimulan niyo ng makuha ang mga pangarap niyo. Ngayon palang, you are starting to build the bridge to reach your dreams. And with the help of your parents and the school, you'll get there.

Muli, Congratulations to the proud parents. And to you students. Thank you.

No comments:

Post a Comment