|
Me as today's Guest Speaker. |
It's long overdue, but here's my speech for the Elementary Commencement Exercise I attended last April 3, 2013.
*****
Ilang
taon narin ang nakalipas nung huli akong tumuntong sa entablado para
magsalita sa harap ng maraming tao. Pero mas maraming taon pa ang
nakalipas nung ako ay nagtapos ng elementarya. Kaya't ng matanggap ko
ang imbitasyon ni Sir Ernie para maging Guest Speaker ngayon, “Yes
Sir! Sure, no problem.”, yun agad ang sinabi ko. Right after the
conversation, tsaka ko lang naisip... teka, ano nga bang theme.
Tungkol saan ang dapat kong sabihin at ibahagi sa mga Gagraduate
ngayon. Bakit ako? Tila may pagaalinlangan pa kung itutuloy ko.
It
was year 1996 when I graduated Elementary. Noon ang usong game
console ay Family Computer at Brick Game, usong laro with friends ay
siato at agawan-base. Year 2013: Kayo naman ang magtatapos! Ngayon,
hindi ka IN kapag wala kang Play Station or Xbox Kinect. Ang madalas
na naririnig ko sa mga bata ay laro tayong DOTA or anong highest
score mo sa Temple Run. Noong ako'y nasa elementary pa, kapapalabas
palang ng unang Toy
Story Film. Diba
si Andy, bata palang at halos panay laro lang. Ngayon na kayo ang
nasa elementary, Toy Story 3 na. At si Andy, magcocollege na.
Sabi
ko nga kanina, Si Andy at si Woody...gaya niyo, naging parte din sila
ng buhay ko noong ako ay nagaaral pa. Diba sabi ni Buzz Lightyear,
“To
Infinity & Beyond!”.
Natatandaan ko, madalas yan ang sinasabi ko kapag maganda ang
performance ko sa school. Kapag madami akong nakukuhang stars at
checks galing sa teacher. Diba Very Good! Pero syempre, hindi sa
lahat ng panahon ay very good ang nakukuha ko. May mga times din na
makakakita ako ng X sa test papers ko. Bakit wrong??? Malulungkot
ako, syempre. Minsan nga iniiyakan ko pa. I remember back in
highschool, hirap na hirap ako sa isang subject. Mataas lahat ng
grades ko except for that one particular subject: Physics. But that
doesn't stop me to be on top. Mas lalo pa akong nag-aral at
nagpursigi. Na challenge ako eh. Mas lalo ko pang ginalingan. I
listened more kay teacher. In the end, nakuha ko din ang mataas na
marka. I listened more and so I learned more. Parang Treasure Island
lang yan eh. X marks the spot. Kung saan may X, nandun ang treasure.
With every trials and failures, there's another key gained for
success. Diba? Hindi ka dapat panghinaan ng loob dahil nagkamali ka.
Ang pagkakamali ay nandyan hindi para bigyan lang tayo ng sad face.
It's made to give us the lesson and that little push we need to be
back up and try again. Ang sumubok ulit ay hindi sign ng pagkatalo.
You never fail, until you stop trying. Kaya nga kayo nandito sa araw
na 'to kasi hindi kayo tumigil sa pagsisikap. Kaya kayo nasa
Graduation na ito kasi You did it! You guys deserve a pat on the
back.
“The flower
that blooms in adversity is the most rare and beautiful of all.”
yan ang sabi ng Emperor sa Disney Film na Mulan. Ano
nga ba yung adversity? Ayon sa Google...pero noon, Webster
Dictionary lang, Adversity means difficulties and hardships. I was
in highschool when I lost my father. Ako ay 2nd year
highschool sa St. John Fisher School-Camella Campus. It was so
difficult, mahirap kasi my father was the bread winner. We had to
cut our expenses. Lahat ng pwedeng tipirin, tinipid na namin. We
don't live a lavish life nung buhay pa siya. Pero noon ko lang
narealize yung madalas ibilin sa akin ng Mama ko, “Anak, mag-aral
ka ng mabuti dahil yan lamang ang maari naming ipamana ni Papa mo sa
inyong magkakapatid.” Nang mawala si Papa, si Mama ko na ang
naging sole provider namin. May maliit kaming pwesto sa palengke,
nagtitinda ng gulay at dry goods. Kapag weekend, kailangan naming
tumulong kasi mas maraming namamalengke. Ang assignments and
projects, magagawa lang namin sa hapon. Bihira ang summer vacation
kasi nagtitinda during summer break. Mas naging mahirap at
challenging nung ako'y nagkolehiyo. Halos dugo
at pawis ng aking ina ang kapalit ng bawat tuition fee ko. Naalala
ko pa noon, halos pamasahe lang ang ibibigay niyang baon sa akin.
Pero dahil sa kagustuhan kong mag-aral at makatapos, papasok ako sa
school ng may ngiti sa labi para Good Vibes. Di alintana na baka
magutom ako. O kaya may kailangang bilhin para sa mga drawing plates
sa school. Ngunit sa kabila ng kagipitan, nagawa kong makatapos
dahil ganoon nalamang ang pagpapahalaga ko sa edukasyon na pinilit
maibigay sa akin ng magulang ko. Sa kabila ng pagsubok, ginawa ko
itong inspirasyon at dahilan para mas magsumikap na tulungan ang
sarili. Apat kaming magkakapatid, lahat kami ay napagtapos ng
college. Kaya ang araw na ito ay hindi lang para sa inyo na
magtatapos ng Elementarya, kundi pati sa mga magulang na araw-araw
nagtratrabaho para may pang enroll at pambaon tayo. Salamat kay
Papa, Tatay, at Daddy. Salamat kay Mama, Nanay at Mommy.
“Reach for the
Sky!” yan naman ang sabi ni Woody sa Toy Story. Kaya sabi ko
naman, “Sige I'll dream big!” Libre naman diba? Maganda nga yun
na as early as now ay may naiisip na kayong maging pagtanda ninyo.
Hindi magtatagal, lahat ng pangarap niyo ay susubukan niyo ng abutin.
Bata palang ako marami na akong pinangarap na maging. Noon palang,
pinangarap ko ng maging isang arkitekto. Mahilig na akong
mag-drawing ng mga plano. Madalas ang laro ko noon ay ang gawan ng
sariling doll house ang Barbie ko. It was actually my father who
thought me how to appreciate drawing. Kaya kahit ano pang mga
nagdaan na unos at pagsubok, hindi ko inalis sa puso at isip ko na
darating ang panahon, magiging isa akong Arkitekto. Eyes on the
Prize dapat. Pero katulad ng iba sa inyo, nangarap din ako na maging
isang Guro. Nainspire kasi ako sa mga teachers ko noon, kung papaano
sila naging isang malaking parte ng buhay ko. Ang mga guro na
nagsilbing magulang natin sa loob ng paaralan. Sila na nagbigay
linaw at explanasyon sa mga tanong natin sa mga aralin. Dahil kung
wala ang mga teachers natin, wala rin naman tayo ngayon dito diba?
Pero hindi sapat na
mangarap ka lang. Hindi natatapos ang lahat sa dreaming big. Walt
Disney once said, “All our dreams can come true, if we
have the courage to pursue them.” Sabi ko nga sa inyo, hindi
naging madali ang buhay mag-aaral ko. It was never a smooth sail.
Marami mang malalaking alon ang dumating. Nagawa ko paring
makarating sa gusto kong puntahan. Ako'y naging isang guro at isang
arkitekto.
As
you received your diploma today and graduate from Elementary School,
hindi ibig sabihin ay tapos na ang lahat. Ito lamang ang hudyat ng
bagong simula. Sa pagtatapos niyong ito, ay siya namang simula ng
panibago niyong adventures as High School Students. Mas maraming
assignments, mas maraming researches. But look at the brighter side,
more friends and more fun! More challenges, maybe more painstaking
projects. But then again, these are the things that will help you
reach all your dreams. Learning is a continous cycle. Even life
after college, mas marami pang matututunan. Sabi nga sa animation
film na Meet
The Robinsons,
“Keep
Moving Forward!.” Our
life as a student will never
travel the concrete path for good. Madalas malubak at baku-bako ang
daan. Hindi rin makalilipad ng walang bagyong susuungin. Tulad ko,
naranasan ko rin ang tumawa at umiyak. I had been on the top of my
game most of the time, and I must admit… I had landed short on some
of it. I have gained a lot of new friends. I even lost my father on
the way. But to sum it up, all the hardships and triumphs that I had…
I was able to sew it all up together. Basta I always keep in mind to
Just
Keep Moving Forward!
Ngayon
alam ko na kung bakit ninais kong tumayo dito sa inyong harapan at
magsalita. Nung matanggap ko ang imbitasyon ni Sir Ernie para maging
Guest Speaker ngayon, hindi ako nagdalawang isip. Bakit ako? Bakit
hindi. Madaming beses na akong nakarinig ng speech ng isang
Guest Speaker. Mahaba man o maikli, iisa lang ang ibig nilang
ipahiwatig. Ang maging isang inspirasyon ang buhay nila sa mga
nakikinig. At yun din ang siyang aking dahilan.
You guys have made a
strong foundation right here. Alam ko, hindi biro ang mag-aral.
Kaya binabati ko kayo, mga classmates. You did it! Muli, isang
magandang umaga at Congratulations!!!
~ E N D ~